Happy Violentimes Day

Dear Daily Daot Fans (all 29 of you — and counting :D),

Sadya ko lang naman talaga noong Sabado ang pumunta kina Jana. Maaga pa ako gumising at wala na ang amats ko from the previous night. Pero kumusta naman. Scary ang taxi driver na ibinigay ni Tadhana sa akin.

Una, nag-sing along siya noong pinatugtog ang “Betcha By Golly Wow” ni Prince sa radio. With falsetto. Sabay turo sa billboard na may mukha ng kung sino mang babaeng artista. “Ganda ng legs niya, ano?”

Hindi dapat ako magrereklamo, at lalong hindi ako homophobic, pero may media ID siya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa taxi, kumakanta na parang iniipit ang yagbols niya, isang Sabado nang umaga. Sadya ko talagang di nilagay ang mukha niya at baka taxi na naman niya ang masakyan ko mamaya pauwi. Nyiiiiii.

Pagkatapos, dumiretso kami ni Jana sa Glorietta. May kursunada kasi siyang bag doon. Maayos naman ang mga pangyayari. Medyo sumakit lang ang paa ko, pero ayos lang, bumili naman kami ng tsinelas. Pero hindi yun ang point ko. Sa loob ng isang pambabaeng tindahan, may nakita akong kagila-gilalas na TNL na bagay. Hulaan ninyo kung ano.

Kung ang hula ninyo ay “Beldar Conehead na nakasuot ng puting shades”, ewan ko sa inyo.

Happy Valentines Day, fans.


About this entry