Dahil hindi naman “Pollyanna” ang pangalan ng blog ko

NGAYON-NGAYON LANG, na-realize ko na ang spotty pala ng quality ng mga sinusulat ko. Minsan, tunog-pilit ang English; minsan naman, masyadong eloquent ang Tagalog. Kaya siguro kahapon, naisipan kong mag-Taglish na lang. Mas feel. Parang commercial ng sanitary napkins: Tagos na tagos, may sudden gush of wetness, ang lakas. Pero ibang kuwento na ‘yun.

Iniisip ko tuloy kung anong klaseng tao ang magbabasa ng mga entry ko. Kahit madami-daming hit ang entry ko kahapon (na hindi pa rin maikukumpara sa mga ibang blogger na kilala ko), hindi ko pa rin alam kung para kanino ako susulat, kung ganoon nga ang dapat kong gawin. May trabaho naman ako, hindi ako kumikita sa pagsusulat (unless kailangan mo ng tulong sa thesis mo at medyo struggle ang English para sa iyo), at lalong-lalo akong hindi magse-sell out.

(Tanginamo, Jonar. Ganyan din ang sinabi mo noong nasa college ka pa at napapaligiran ng mga konyo. Ngayong umaasa ka sa Samurai Energy Drink at minumura ang kapitalista mong software, may sell-out-sell-out ka pa ring nalalaman. Tanginamo.)

Anyway, dahil isa akong narcissistic prick, tiningnan ko ang mga top search sa blog na ito. And, DUN-dun-DUUUN!

dapat kong sabihin sa isang babaeng mahal q

Pakshet.

Ako na ang hinahanapan ng kasagutan sa mga problemang puso. Jude Michael, ikaw ba ‘yan, with matching good screaming guitar solo and synthesizer? Wasak.

Puwera biro, minsan kasi, ako mismo, hindi alam ang dapat kong sabihin sa isang babaeng mahal q. 30w p0whz, jejeje, d3pnd3 p0wh y4n s4 c0nteckxzzzzzht 3h. cgur0 p0whz, kng jejemon k4 p0whz, s4bihuhn mu n l4ng p0whz ng is4ng m4luf3t n I cruszh y0U. P0whz.

Ewan ko. Aamin ka sa kanya sa Valentine’s Day? Korni yun, ilang tao na ang gumawa at nabigo dahil akala ng pinagsabihan nila na nadadala lang sila ng hormones at umiiwas sila sa lindol na ang epicenter ay Pasig at Baclaran at Sta. Mesa. Pero malay mo, gusto ka rin niya, boy, pero ayaw lang niya talaga makipagsabayan sa iba kasi selfish siya at ayaw niyang may kapareho siya ng monthsary. Kasi hindi ‘yun bagay sa kuwentong hinahabi niya.

Naalala ko tuloy ang isang Valentine’s Day ilang taon lang ang nakalipas. Wala akong date, bagong-suweldo ako, nasa probinsya ang nobya ng tropa ko, kaya sumaglit muna ako sa apartment niya at nagdala ng isang Grande at lechon manok from Rustan’s (potah, bagong-suweldo nga, di ba?). Napadpad kami sa Chickenboy (na Mamu’s And Papu’s Grill na ngayon at hindi na kami kilala bilang “friend of Mando”), tapos sa Aladino’s kung saan kami nag-adjourn nang alas-sais. Ng umaga. May. Pasok. Pa. Pala. Ako. Shet.

Umuwi agad ako, nagpahid ng kalamansi sa buong katawan para hindi naman mangamoy-tsiko, tapos naligo. Maliban sa pungay sa mata ko, wala namang palatandaang kagagaling ko lang sa inom. At tumutugtog ang “Sentimental Lady” ng Fleetwood Mac sa ulo ko (na takeout ko mula sa videoke sassion mga tatlong oras lang ang nakaraan) habang kunwari’y nagtatrabaho. Good times.

Pero lumilihis ako sa usapan. Mag-iiwan ako ng ginintuang aral, nag-iisang nag-search sa blog ko. Sabihin mo kung ano ang nararamdaman mo. At dahil hindi nga “Pollyanna” ang pangalan ko at wala akong panahon para sa ganitong shit, dapat sa lugar kung saan kayong dalawa lang ang nandoon. Para naman hindi wa-poise kung basted ka. Or conversely, para puwede kang magtatatalon sa tuwa kung sinabi niyang mahal ka rin niya, pero strict ang parents niya. Small victory na rin ‘yun, puwedeng pagtiyagaan. Huwag lang kalimutang magsabi ng “po” sa harap ng mga magulang niya, at maging mabuting anak sa sarili mong magulang.

And yeah, ayusin mo ang spelling mo. Hindi na kasi cool ang jejemon. Try mo mag-bekimon, baka mas keri mo pa. Para cool.

Pollyanna”anong

About this entry